Sagot :
Answer:
Ano Nga Ba Ang Kahulugan At Halimbawa Ng “Humalik Sa Yapak”? (Sagot)
HUMALIK SA YAPAK – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan at halimbawa ng kasabihang “humalik sa yapak”.
Ating tandaan na ang mga idyoma, kasabihan, o mga sawikain ay isang komposisyunal na gawa na hindi binubuo ng literal na kahulugan ng mga salitang ito. Kadalasan, may iba’t’-ibang kahulugan ito na hindi maiitindihan kung walang konteksto.
Humalik Sa Yapak Kahulugan At Mga Halimbawa Nito
Ang idyomang “humalik sa yapak” ay isa sa mga ito. Ito’y matatawag natin na sawikain, idyoma, o kasabihan na naglalarawan sa labis na paghanga sa isang tao. Heto ang halimbawa:
Mula sa pagkabata ni Peter, gusto niyang humalik sa yapak ng kanyang ama. Ito’y dahil siya ay isang ama na kahangahanga hindi lamang sa pagdidisiplina, kundi pati narin sa pagsusumikap niya.
Hindi man siya nakatapos ng Kolehiyo, hindi ito nakahadlang sa kanyang hangarin na magkaroon ng permanenting pagkakakitaan para maibigay ang lahat ng aming pangangailangan.
Ang pag halik sa yapak ng isang tao ay isang pagbigay puri sa kanyang kagalingan, talento, at kaugalian. Hindi lamang ito puwedeng magamit sa mga magulang.
Ang paghalik sa yapak ng isang tao ay maaari ring magamit sa mga idolo ng isang tao sa larangan ng telebisyon, pag-lalaro, o kaya isang tao na gusto mong tularan sa paglaki katulad ng mga guro o pulis.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.