👤

gumawa ng akrostik mula ra salitang katarungang panlipun​

Sagot :

Answer:

K-araniwang natatapaktapakan ng makapangyarihan

A-numang gusot, kaya lusutan ng mayayaman,

T-atsulok na laging iilang tao ang nasa tuktok,

A-t mga bala na ginagawa nilang paputok.

R-umaragasang luha at pighati para sa pamilyang nagdadalamhati,

U-maasang kanilang mahal sa buhay ay makikitang muli,

N-a sila'y muling makita, mahawakan, at mahagkan,

G-anid sila para sa espesyal at imposibleng huling kahilingan,

A-ng mapatunayan na sila'y inosente at walang kasalanan,

N-a sila'y ninakawan lamang ng katarungan.

Explanation:

Ang akrostik na ito ay sumasalamin sa mahahalagang isyu ngayon ng lipunan kung saan marami pa rin ang naapi ng mga makapangyarihan dahil kaya nilang lusutan anuman ang kanilang mga kasalanan. Ito rin ang kasalukuyang kalagayan sa isyu ng pagpatay ng walang dahilan, o ang mapatay ng hindi napatunayan ang kanilang kasalanan

BRAINLIEST ANSWER