👤

PAGYAMANIN
Punan ang graphic organizer sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
programang ipinatupad ng Administrasyong Roxas at Quirino sa pagtugon sa
mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino noong panahon ng kanilang
panunungkulan.
MGA PROGRAMANG IPINATUPAD NG ADMINISTRASYONG
ROXAS AT QUIRINO





MANUEL ROXAS






ELPIDIO QUIRINO









10 points+brainliest sa makakasagot ng maayos
report+ban sa non sense


Sagot :

Answer:

Explanation:

manuel roxas*

-pagsasaayos ng elektripikasyon,

-pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal

-pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang

-paghikayat sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa bansa

Sa panahon din ng panunungkulan ni Roxas ay binigyan ng pansin ang pagpapalaki ng produksiyong magpapaunlad ng industriya at pagsasaka. Maraming korporasyon o samahang itinatag upang mangalaga sa kapakanan ng mga magsasaka gaya ng mga sumusunod.

-NARIC- National Rice and Corn Corporation NACOCO- National Coconut ---Corporation NAFCO- National Abaca and other Fibers Corporation Bukod sa mga korporasyon o samahang tumulong sa mga magsasaka ay binuo rin ni Roxas ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC) upang tulungan ang mga tao at mga pribadong kompanyang makapagsimulang muli at makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng digmaan.

Sistema ng Pangasiwaan ni Roxas sa ilalim ng pangasiwaan ni Roxas ay mahigpit niyang ipinatupad ang patakarang Pro-American at Anti-Communist. Sa kanyang termino ay naging matibay nag pakikipagkasundo ng Pilipinas sa Amerika ukol sa sumusunod:

1. pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas

2. pagtatayo ng mga base militar ng mga Amerikano.

3. pagtiyak sa alalay na tulong ng Estados Unidos sa bansa sa panahon ng digmaan.

4. pagpapatibay ng PARITY RIGHTS.

*elpidio quirino*

*Pagtatag ng bangko sentral ng pilipinas.

*Pagbibigay ng amnestiya sa mga kasapi ng Huk na susuko.

*Paggawa ng lingguhang pag-uulat sa pamamagitan ng radyo at pahayagan tungkol sa mga gawain ng kanyang administrayon.

*Paggawa ng President’s Action Committee on Social Amelioration o PACSA

*Pagtatayo ng mga bangko rural para magpautang sa magsasaka ng kapital.

*Pagpapaunlad ng patubig o irigasyon para sa magsasaka

*Pagbuo ng mga lansangan para sa pagpapabilis ng transportasyon