1. Ang buhay ng tao ay isang_______?
A. destinasyon C. mahabang paglalakbay
B. masayang galaan D. byaheng walang patutunguhan
2. Hindi sa lahat ng oras ay banayad ang agos ng buhay kaya nararapat na tayo ay hindi humiwalay sa ating mga kasama na___________.
A. Kapuwa tao C. Diyos lamang
B. Kapuwa at ang Diyos D. Kalikasan
3. Bakit mahalagang hindi tayo bumitiw o lumayo sa ating mga kasama sa paglalakbay sa buhay?
A. Upang hindi tayo madapa sa daan patungo sa paglalakbay.
B. Dahil kasama ang Diyos at ang kapuwa mas makikita ng tao sa mga ito ang kahulugan ng kaniyang buhay.
C. Dahil nakasaad ito sa Banal na Aklat.
D. Wala sa nabanggit.
4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng buhay na may pananampalaya sa Diyos maliban sa:
A. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos.
B. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos.
C. Nagmamahal sa kapwa.
D. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapuwa.
5. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
A. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
B. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
C. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.
D. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.