👤

mga programang tinupad ni manuel a roxas

Sagot :

Answer:

Sa pamumuno ni Manuel Roxas, nagtatag siya ng mga korporasyon at samahang tumulong sa mga magsasaka. Isa pa sa kaniyang binuo ay ang Rehabilitation Finance Corporation (RFC) upang tulungan ang mga tao at pribadong kumpanyang makapagsimula muli at makapagpanibagong-buhay pagkatapos ng digmaan. Sa kaniyang pamumuno o termino ay naging matibay ang pagkakasundo ng Pilipinas sa Amerika ukol sa pagpapanatili ng mabuting relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas, pagtatayo ng base militar ng mga Amerikano, at pagtiyak sa alalay na tulong sa bansa sa panahon ng digmaan.

Explanation:

CTTRO: https://brainly.ph/question/2014742