Tukuyin mo!
Panuto: Lagyan ng 1 kung ito ay naganap noong Unang Digmaang Daigdig at 2 naman
ang ilagay kung naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isulat ang sagot sa
sagutang papel na inilaan.
autonomiya.
1. Nagkaroon ng malawakang demontrasyon, boykot, at hindi pagsunod sa mga
kautusan ng Ingles sa bansang Incia, na naging dahilan upang bigyan ito ng
2. Nanatiling malaya ang ibang bansa sa Kanlurang Asya ngunit hindi pa rin
nakaligtas na kontrolin ng mananakop ang ekonomiya.
3. Isa rin ang bansang India na kolonya noon ng England ang naapektuhan
matapos ang Unang Digmaan.
4. Ang Tehran Conference ay nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great
Britain ang bansang Iran upang makapagsarili at maging malaya ito.
5. Natuklasan ang m na ng langis sa Kanlurang Asya noong 1914, cahilan
upang mas maging interesado ang mga Kanluraning bansa rito at magtatag ng
sistemang mandato.
6. Taong 1919, hiniling ng Great Britain sa punong ministro ng Iran na lumagda
sa isang kasunduang nagbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pag control
ng ekonomiya, politika, at pangmilitar sa bansang Iran.
7. Sa paglaya ng India noong 1947 nahati ito sa dalawang pangkat, ang pangkat
ng Hindu at ng Muslim.
8. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagbibigay daan sa cold war na
kinasasangkutan ng United States at ng kaniyang mga kaalyado, kontra sa
Russia kasama rin ng kanyang mga kaalyadong bansa.
9. Lumakas sa bansang India ang kilusang nasyonalismo na naging daan upang
magkaisa ang pangkat Hindu at Muslim.
10. Ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ang isa ring dah lan sa
pagsiklab ng digmaan.