👤

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan Piliin sa ibaba ang kahulugan ng mga salitang nakahilig sa pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot. _____________ 1. Marami ang nagnanais na makatanggap ng regalo tuwing pasko. _____________ 2. Naghuhulog si Sam ng mga barya sa alkansiya para sa kaniyang ipon. _____________ 3. Ikaw ang mag-uulat ngayon sa ating aralin. _____________ 4. Si Sam ay nagpakita ng pagmamalakasakit sa kaniyang kapwa. _____________ 5. May hinabilin si Sam para kay Denmark bago siya umalis. pagpapahayag pag-aalala iniwan bagay na ibinibigay itinabing pera Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong 1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa maikling pelikulang may pamagat na “Regalo”? 2. Paano naging magkaibigan sina Sam at ang batang pulubi sa maikling pelikulang ito? 3. Bakit nag-iipon si Sam? Saan napunta ang kaniyang naipon? 4. Ano ang ipinahihiwatig o mensahe ng maikling pelikula? Ipaliwanag. 5. Kung ikaw ang tauhan sa pelikula, sa paanong paraan mo ipapakita sa iyong kaibigan ang iyong pagmahahal at pagiging totoong kaibigan?

Sagot :

Answer:

Gawain 1.1

1. bagay na ibinigay

2. itinabing pera

3. pagpapahayag

4. pag-aalala

5. iniwan

Gawain 1.2

1. Ang pangunahing tauhan sa kuwento ay sina Sam at Denmark.

2. Naging magkaibigan sina Sam at Denmark dahil nagpakita ng kabutihan si Sam kay Denmark.

3.Nagiipon si Sam para sa pasko. Napunta ang ipon ni Sam sa kanyang kaibigan na si Denmark.

4. Ipinahihiwatig ng maikling pelikula na dapat tayong maging mabuti sa kapwa natin maging mayaman man sila o mahirap.

5. Kung ako ang pangunahing tauhan sa maikling pelikula ipapakita ko ang kabutihan ko sa kaibigan ko sa pamamagitan ng pagiging palakaibigan, susuportahan ko siya sa mga bagay na nais niyang gawin.

Explanation:

sana po natulungan ko po kayo :)