👤

ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CANAO
Ito ay sinulat at Akda ni Simplicio Bisa

Dumating ang matatandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang papilay-pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Walang makapagsasabi kung siya at wala namang nag-aksaya pa ng panahong mag-usisa. Ang totoo’y hindi siya gaanong napag-ukulan ng pansin kung hindi lamang siya nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan pa sa paghabol sa iaalay na baboy kaugnay ng idinaraos nilang canao.

Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Kanina, sa pagtungo ni Lifu-o sa kaingin, ay nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang masamang pangitain. Bumalik na siya sa kanilang ato. Ipinasiya ni Lifu-ong tawagin ang mga intugtukon. Ibig niyang magdaos ng canao. Ibig niyang ganapin iyon sa kanilang af-fong.

Ang pagdiriwang na tugging ito na nagliliklik sa mga labis, sa mga burol, at sa mga bundok ay tibok ng buhay sa pook na iyon ; sa idinaraos na canao nakatuon ang pansin ng nakakaunawa sa kahulugan niyon: pagkakasal kaya pagsilang, pagtatanim, pag-aari kaya, pakikipagdimaan, paghinging biyaya, paghinging-patnubay, pagkamatay kaya ng isang katutubi? At dinadaluhan nila ang ganitong canao at naiisip niya ang matandang kubang iyon ay isa sa naaakit dumalo; isa ring intugtukon sa ili na sumakop sa ato nila.

"Ama," pumukaw ang tinig si Sabsafung. "Ihahanda ko na ang mga tap-pey at fayas."

Binabalingan ni Lifu-o ang anak na nakalapit na nang hindi niya namamalayan. Sa makulay nitong lufid na nabibigkisan ng wakes, naisip niyang isang tanging canao ang idinaraos. Naiiba ang ganda ng anak niya ngayon. Makintab ang buhok nito na sinusupil ng ap-pong. Sa malikot na liwanag ng mga sulo at siga, ang fatek sa braso, balikat at leeg ng anak ay nagiging magagandang guhit na hindi makapagkukubli sa katotohanang dalaga na rin ang anak; malusog na ang dibdib nito na naiitiman din ng iginuhit na fatek. Naisip ni Lifu-o na makakatulong na sa kanya ang anak sa pangangasiwa sa pagtatanim at pag-aani sa kanilang kaingin… at sa pagdaos ng canao.

"ihanda mo na… Tulungan mo ang iyong ina…"

Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang igorot ang baboy na papatayin sa canao. Sa paghahabulan ay napadako sa lusong na kinauupuan ng matanda. Sa biglang daluhong ng mga nagsisihabol, natumba ang lusong kasama ang matandang kuba.

Natanaw ni Lifu-o kung paano tinulungang makatayo ang matanda. Muli itong naupo sa lusong. Sa saglit na iyon, may nakita si Lifu-ong na tila kakaiba—pang-akit

Wari sa katauhan ng matanda. Nagsalita iyon "Bayaan na ninyo ako…"

Nakiumpok si Lifu-o sa mga intugtukon. Siya’y nag-iisip. Ang mga am-ama ay umaawit na ng ay-eyeng— malalakas a nananawagan: iligtas kami sa anumang panganib… iligtas kami sa mga kapahamakang darating, kadakilaan… O, Kabunian!

Sa kalooban ni Lifu-o’y naroon din ang piping dakilang dalangin: bigyan mo: Bigyan mo, Dakilang Kabunian, ng masagana at mahabang buhay ang mga nasa ato s ailing ito.

Napatay na ng matatanda ang baboy at kasalukuyang dinadarang na sa apoy. Mamamasid-masid lamang ang matandang kuba sa pagkakaupo. Nahiwalay na siya sa karamihang ngayo’y nakapaligid sa kinakalusang baboy. Ang ningas ay kumain na sa tinipong kahoy; mga baga na lamang iyon ng sigang kangina’y nakatanglaw sa matanda. Nasa dilim na siya…

Binalikan ni Lif u-o ang matanda.

Doon ka, am-ama. Makiisa ka sa amin."

Babalik din sila riyo…"

"Ibig mo bang ngumata ng tabako habang naghihintay?"

Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot na tuyong dahon ng tabako.

"Salamat… Ngunit bumalik ka na roon." Itinaboy siya ng matanda.

Bumalik na nga sai Lifu-o sa bahay. Kailangang roon siya sa pagdaraos ng ritwal. Hinahanap na nga siya.

"Nasaan si lifu-o?"

"Si Lifu-o?"

"Lifu-o…?"

Bumalik pagkaraan ng mga sandal ang lahat sa labas ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga… bumalik silang masasaya… at lumalakas ang awiitan… ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng koongan.

Nasiyahan ang mga anito… ang apdo ng baboy ay nakaturong palabas…"

Tuhugin sa patpat…suksok sa bubungan… sa malapit sa pintuan!"

"Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni Kabunian…!"

"Dulatan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag… paanyayahan muna ng panalangin!"

"Lifu-o," bahagyang nagulantang ang tinawag. "Idudulot na ang tap-pey, Lifuu-o." Nasa tabi na ni Lifu-o ang asawang si Napat-a."​