Sagot :
Answer:
Narito ang ilan sa mga pangungusap na gumagamit ng pandiwa:
1. Umalis sina Rodrigo at Nathaniel habang hindi pa umuulan.
2. Ginising ni Aling Myrna si Kakay nang maaga at inutusan itong mamili ng karne, baboy, gulay, prutas, at bigas sa palengke.
3. Kinuha ng guro ang laruan ni Victor upang makinig na ito sa klase.
4. Pinalipat ni G. Dominggo ng upuan si Santino upang hindi na sila mag-uusap nina Carlos at Benjamin habang nagtuturo siya.
5. Binalaan ni Dianne si Karen na huwag na huwag ng uulitin ang ginawa niya.
6. Nagluto sina Georgia at Meagan ng masarap na agahan bago sila umalis papuntang pook-pasyalan.
7. Itinaas ni Jacob ang karatula noong lumabas na ang mga pasahero ng eroplano.
8. Sa pamamagitan ng tamang pagkain at ehersisyo, naabot ni Chino ang malusog at magandang hugis na katawan.
9. Ipinaghain siya ni Inay ng makakain pero hindi niya ito ginalaw.
10. Gumising si Salve ng maaga at diniligan ang mga tanim sa likod ng bahay nila.
Answer:
Pandiwa - ay salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil nagsasaad ito ng kilos o galaw ng isang tao, hayop o bagay
Halimbawa:
- tumakbo
- lumangoy
- umiiyak
- naglalakad
- lumilipad