Sagot :
Answer:
Sakop ng mga espanyol ang bansa
Explanation:
Ang kalagayan ng Pilipinas ng isulat ni Francisco Balagtas ang Florante at Laura
Hindi maganda ang kalagayan ng Pilipinas ng isulat ni Francisco balagtas ang Florante at Laura sapagkat isinulat niya ang aklat sa kapanahunan niya noong taong 1788- 1838 nangangahulugan lamang na nauna pa siya kina Rizal, tatong paring martir, Bonifacio at Del Pilar. Inilalarawan ni Balalagtas sa Florante at Laura ang ibat-ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga kastila noong sa mga Pilipino, oo nga at di niya diretsahang tinukoy sa kanyang pagsasalaysay ang lupit at kasamaan ay nangyari sa mga Pilipino, pero ang bawat pangyayari sa akda ay malapit sa mga pangyayari sa mga kaapihang nararanasan ng mga Pilipino noon.
Mababsa sa simula pa lamang ng kanyang akda na, kung gagamitian mo ito ng masusing pagsusuri ay maiisip mo na ang bansang Pilipinas na ang tinutukoy sa mga katagang ito, Sakdal sungit na panahon, mistulang gubat na madilim, mahayop na sukdulang bangis at walang kasingsukal na lupain, Sinasabing ang ganyang klsaseng paglalarawan ni Francisco Balagsta ay hango sa kanyang kapanahunan na magulo, nakararanas ng pang aapi ang mga Pilipino, di pantay ang pagtrato sa ating mga kababayan, nalalabag ang kanilang mga karapatan, pagmamalupit at pagpatay.
Ang maikling Talambuhay ni Fancisco Balagtas
Kiko ang ibinansag kay Francisco Balagtas ipinanganak siya sa Panginay sa bayan ng Bigaa sa lalawigan ng Bulacan ang nasabing lugar ay tinatawag na Blagtas ngayon ipinanganak siya noong abril 2, 1788 siya ang bunso sa apat na magkakapatid, ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar na isang panday at ang kanyang ina ay si Juana Dela Cruz na isang karaniwang may bahay lamang. Ang kanyang mga kapatid ay sina Felipe, Concha at Nicolasa, nang pumunta sa Tondo si Kiko ay mayroon lamang siyang gulang na Labing-isa. Naging utusan siya ni Donya Trinidad Pinag aral siya nito dahil nakitaan siya ng kasipagan at pagiging mabait. Natuto siyang bumigkas at sumulat ng tula kay Jose dela Cruz o kilala din sa bansag na Huseng Sisiw. Ito ang pinakakilalang makata noong sa Tondo. Si Balagtas ay namatay noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74.