👤

pasagot po esp malapit narin po ipasa yan​

Pasagot Po Esp Malapit Narin Po Ipasa Yan class=

Sagot :

Answer:

1.  Ang pagkilala sa sarili ay ang pagtuklas sa sarili mong mga kalakasan at kahinaan at sarili mong personalidad. Kapag nalaman mo ang mga ito, maaaring magamit mo ang mga ito upang mas mapaunlad ang iyong mga natatanging kakayahan at abilidad. Mahalagang malaman mo ang iyong pagkakakilanlan para mas lalo mong makilala ang iyong sarili, maging ang iyong pangalan, edad, sariling pag-uugali at mga kaalaman na nangangailangan paunlarin at mahasa.  

Masasabi ko sa aking sarili

  2.  Nagkaroon ako ng mga taong masasabi kong bumubuo ng buhay ko, ang aking pamilya, mga kaibigan at ang Diyos.

   Naging matatag at malakas akong harapin ang mga hamon at pagsubok na darating sa buhay ko sa hinaharap.

   Nagkaroon ako ng malakas na tiwala sa sarili ko dahil alam kong andiyan ang pamilya ko para gumabay at tumulong sa akin kahit na anumang landas ang aking tahakin.

   Mas tumibay ang paniniwala ko sa mga talento at kakayahan ko.

   Mas tumibay ang pananampalataya at paniniwala ko sa Diyos.

   Mas naging malakas at matatag ang paniniwala ko sa sarili ko.

   Marami akong aral na natutunan na alam kong magagamit ko sa aking pang-araw araw na buhay.

   Mas nakikilala ko ang sarili ko base sa pakikitungo at pakikisalamuha ko sa kapwa ko.

   Mas nangingibabaw ang paggawa ng kabutihan, ang paggalang, pagrespeto at pagmamalasakit sa aking kapwa.

3.  Ang mga kalakasan at kahinaan ang huhubog at maghuhulma ng ating mga sarili upang maging ganap ang ating mga pagkatao. Dito rin natin makikita ang mga dapat pa nating palaguin at mga pansariling pag-uugaling dapat pang pag-ibayuhin. Sa pagkilala sa ating sarili, malalaman natin ang mga bagay na kaya nating gawin at hindi kayang gawin.  

Paano makikilala ang sarili?

Makikilala natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pag-alam at pakilala sa ating mga;

   kalakasan at kahinaan

   natatanging kakayahan at talento

   abilidad at kapasidad na kayang gawin

   katangian na ating tinataglay

   bagay na gusto at ayaw natin

   aral na ating natutunan na magagamit natin sa ating buhay

   talino at kaalaman

Explanation:

sana maka tolong po ako pwede po ako e branleist po ako plss