1. Maliban sa kaalaman, ano pa ang dapat mong matutunan sa paggawa ng proyektong kapakipakinabang? A. kasanayan B. pagpapahalaga C. pakikipagkapwa D. pag-uugali 2. Ano ang gagawin mo kung gusto mong maging lapat na lapat at eksakto ang iyong proyekto kapag ito ay binuo mo? A. bilangin B. pakinisin C. kulayan D.sukatin 3. Ang proyekto sa gawaing kahoy ay maari mong buuin sa pamamagitan ng pagpapako, pagtuturnilyo at A. pagbibiyak B. pagdidikit C. pagpapanapos D. pagpuputol 4. Bago mo pahiran ng panapos na materyales ang proyekto, ano ang dapat mong gawin upang maging maayos ang kalalabasan nito? A. pakinisin B. patuyuin C. putulin D. tupiin 5. Ang madalas na ginagamit sa pagbuo ng proyekto sa gawaing kawayan tulad ng basket ay A. paghahabi B.paglililok C. pagtotorno D. pagtutupi