Sagot :
Pagsusunog ng basura
Ito ay pang karaniwan na naaamoy at nakikita natin sa paligid. Simula noong una ay ginagawa na itong kilos na ito hanggang sa kasalukuyan. Pero masasabing ang pagsusunog ng mg basura ay nagdudulot ng malaking epekto sa ating kalusugan at maging sa kalikasan. Tingnan ang ilan sa mga epekto nito.
Limang hindi magagandang epekto na dulot ng pagsusunog ng basura sa ating kalusugan at maging sa kapaligiran natin:
- Maaari itong magbigay sa atin ng pagkakasakit dahil sa pagsinghot ng usok nito
- Nagkakaroon ng polusyon sa hangin
- Nagkakaroon ng problema sa paghinga ng isa tulad ng hika
- Mas pinalala lang nito sitwasyon dahil tumitindi ang climate change
- Nagbibigay ito ng init sa kapaligiran na nakakadagdag sa pagtaas ng temperatura
Pinakikita ng mga epektong ito na hindi nagbibigay ng magandang dulot ang pagsusunog ng basura. Mas pinalala lang nito ang kalagayan natin sa ngayon. Napakasama nito lalo na sa mga taong nakakalanghap ng usok nito. Kaya mahalaga na patigilin ang ganitong bagay at itigil mo na kung ginagawa mo itong pagsusunog. Huwag natin hayaan na magdusa ang sarili natin, ang iba at lalong higit ang ating kapaligiran. Tiyak na hindi magandang ang mangyayari kapag pinagpatuloy pa ang pagsusunog ng basura.
Tandaan mo ito:
Maaaring bumuo ng isang samahan o kaya organisasyon para masupil o matigil na ang pagsusunog ng basura. Pero may ibang mga tao parin na kahit pagsabihan ay may katigasan ng ulo. Turuan sila at magkaroon ng disiplina para mamulat ang kaisipan nila na mali ang ganitong paggawi kahit ito ay nakasanayan na nila sa buhay. Huwag balewalain ang bagay na ito sapagkat nakasalalay dito ang kalusugan natin na tiyak na magkakaroon ng kompliskasyon kung hindi mapipigilan ang pagsusunog ng basura. At ang mas malala, makakaambag lamang ito sa pabago-bago ng panahon natin at mas patitindihin nito ang init at maging ang tag-ulan dahil sa climate change.
Kung naisin mo pa makapagbasa ng higit, magtungo pa sa mga link na ito at bisitahin:
Islogan hinggil sa pagsusunog ng basura: brainly.ph/question/2074156
Epekto pa ng pagsusunog ng basura: brainly.ph/question/11915801
#BrainlyEveryday