Panuto: Isulat sa patlang ang Oo kung tama ang pahayag at Hindi naman kung mali. Isulat ang sagot sa isang papel.
1. Ang pananakop ng isang lupain ay isang patunay ng pagkakaroon ng malakas na puwersang pandigma.
2. Nanatili ang katutubong paniniwala sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
3. Nagkaroon ng makabagong komunikasyon at transportasyon upang mapabilis ang pakikipagkalakalan.
4. Ang imperyalismo ay tumutukoy sa tuwirang pananakop ng isang bansa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop.
5. Nagbago ang komposisyon ng etniko dahil hindi maiwasan ang pagpapakasal ng magkaibang lahi kaya nagkaroon ng mestizo at mestiza o hating lahi.
6. Dumagsa ang mga Amerikano at Indian upang tumira ng permanete sa lugar upang mangalakal at magsaka sa mga plantasyon.
7. Nagkaroon ng pansamantalang hangganan ang mga bansa upang maliwanag sa mga kanluranin kung hanggang saan ang sakop ng bawat isa.
8. Dahil sa imperyalismo umusbong ang mga kolonyal na lunsod: Maynila, Batavia, Rangoon sa Burma at Saigon sa Vietnam.
9. Layunin ng mga Europeo na palaganapin ang Kristiyanismo.
10. Natali ang lokal na ekonomiya sa pandaigdigang kalakalan.