V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 15 minuto) (Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at ikaanim na linggo) Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Basahin at suriing mabuti ang bawat panayag ukol sa kahalagahan ng pagsusulong ng karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyung panlipunan. Lagyan ng TSEK (/) kung TAMA O MALI ang pahayag sa talahanayan. Isulat ito sa iyong sagutang papel. TAMA MALI Pahayag o kaisipan: 1. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao ng mamamayan ay dapat nagwawakas o tumitigil sa pagtukoy lamang ng mga karapatang ito. 2. Tungkulin din ng mamamayan na isaalang-alang at isakatuparan ang mga ito upang maging aktibo ang mamamayan, matutong makiisa at makialam sa mga nangyayari sa kanilang lipunan. 3. Hindi lamang mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao kundi ang aktwal na paggiit at pagsasakatuparan ng mga karapatang ito ang nararapat na mangibabaw. 4. Bilang mga aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa kanilang paligid, tungkulin nating tugunan ang mga ito para sa kapakanan ng lahat, at ang paggiit ng mga karapatang pantao ay isa sa mga paraan nito. 5. Ang paggiit sa karapatang pantao ay hindi pagpapakita ng pakikilahok ng tao bilang mamamayan ng isang bansa.