Masayang-masayo ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana so simbahan. Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang tugtugin. Naggagandahan ang mga ako sa mga panulukan ng mga kalye Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson dito at doon. Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa nga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalo-soluhan ang mga inihandoang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapos-tapos. Ganyan ang pista. Nakalungkot tuloy isipin na ang pitsa ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon. bakit nga ba may pista? Hindi ba't nagdudulot lamang ito ng malaking gastos a Hindi ba't malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito'y isang kaugaliang minana pa natin sa ating mga ninuno Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay aw ng pagdajila, pagpuri at pagpaparangal so Panginoon. (Hango sa Landas sa Pagbasa 6. pahina 24-26)
1. Ano ang pista
2. Ano ang paniniwala ng may akda na nais iparating sa mambabasa tungkol sa pagdiriwang ng pistang bayan?
3. Batay sa binasang teksto, anong isyu o suliranin ang napansin mo?
4. Mogbigay ng mungkahing solusyon ayon sa suliraning napansin mo.
5. Sa panahon natin ngayon paano natin maipagdiriwang ang pista na hindi tayo mohahawahan ng sakit na dala ng Covid- 19?