Gawain 2: Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat bilang, Piliin ang angkop na sagot sa loob ng kahon. plais martilyo zigzag rule lagari paet 1. Si Anton ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Sa kanilang klase mayroon silang pangkatang proyekto sa paggawa ng lampshade. Naatasan siyang magdala ng pamputol sa wire. Alin kaya sa itaas ang kaniyang dadalhin? 2 Natapos na ni Mang Jose ang kaniyang nagawang kabinet. Gusto pa niya itong pagandahin sa pamamagitan ng paglilok ng disenyo. Tulungan mo si Mang Jose sa pagpili ng kanyang kasangkapang gagamitin. Ano-anong mga gamit ang iyong pipiliin? 3. Isa si Eric sa pinakatanyag na tagagawa ng mesang kainan. Gusto niyang makuha nang wasto ang lapad at taas nito. Sa palagay mo, anong kagamitan kaya ang dapat niyang gamitin? 4. Gumawa ng silya si Andoy at natapos na ito, pero napansin niyang masyadong mataas ang paa nito. Kaya kinuha niya ang para putulin ang sobrang bahagi nito. TOY 5. Mainam na gagamitin ang bilang pamukpok at pambaon sa pako at paet.