👤

Maiituturing bang kabayanihan ang ginawa ng mga piling taumbayan sa
panahon ng Batas Militar? Dapat ba natin silang purihin at ipagmamalaki? Paano?
Isulat sa isang talata o sanaysay ang mabuo mong damdamin bilang pagpuri
at pagmamalaki sa mga taumbayan lalo na yuong nagbuwis ng buhay. Gawing
pamatnubay ang rubrics na sumusunod

pakisagot po ng maayos pls​


Sagot :

Answer:

Oo. Dahil sa kabila ng mapagmalupit na rehimeng Marcos, pinili parin nila, mga taong may posisyon o wala, ang ipaglaban ang demokrasya at pagkakapantay pantay, na siya namang isinawalang bahala ng administrasyong Marcos. Dumating pa sa mga pagkakataong ibinuwis pa nila ang kanilang buhay, gaya ng dating Senador na si Ninoy Aquino, Jr. at maraming iba pa, para sa kanilang ipinaglalabang mga paniniwala na sadyang laban sa Marcos administration, ang Demokrasya. Sa anumang paraan man sila lumaban, sa mga pantikan man o direktang paraan, sadyang inilagay nila ang kanilang mga buhay para sa ikabubuti ng mga nasa laylayang walang boses upang iparinig ang kanilang mga hinaing sa mga nakakataas sa kanila.