👤

ano ang solusyon sa Gamo Gamo sa dilim​

Sagot :

Answer:

[isinulat noong Setyembre 2012)

Pag-asa Sa Gitna ng Dilim

Sa apat na dokyumentaryo ni Kara David na aming pinanuod, ang Gamu-gamo sa Dilim ang nakapukaw sa aking atensyon. Pinakita rito ang hindi matatawarang dedikasyon ng mga estudyante, guro at mga mamamayan sa Little Baguio. Hindi naging hadlang pagkawala ng ilaw upang itigil nila ang mga nakasanayan nilang gawain. Ang mga estudyante ay patuoy na nag-aral, ang mga guro ay matiyaga pa ring nagturo at mga mamamayan ay patuloy na nagbanat ng buto. Nagpatuloy ang kanilang buhay kahit na tila mapusyaw na ang kanilang kinabukasan.