plssssssssssssssssssssss
![Plssssssssssssssssssssss class=](https://ph-static.z-dn.net/files/db5/a0bbb550e501658eb5765d4e94a32c26.png)
Si Benigno Simeon "Ninoy" Aquino, Jr.[2][3][4][5], mas kilala bilang Ninoy Aquino o Benigno S. Aquino, Jr., ay isang Pilipinong senador na naging pangunahing kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Pinatay siya sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila (na matapos ay ipinangalang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino bilang parangal sa kanya) pagkauwi niya mula sa Estados Unidos, kung saan siya pinadala kasama ang kanyang pamilya upang ito ay ipagamot sa Amerika. Ang kanyang pagkamatay ang naging sanhi ng pagka-Pangulo ng kanyang maybahay, si Corazon Aquino, na pumalit sa 20-taong rehimeng Marcos. Ayon sa mga testigo, ang mga sundalong nag hatid sa kanya pababa ng eroplano ay may mga kinalaman sa kanyang pagkamatay. May mahigit dalawang milyon na sumama sa prusisyon para ihatid si Aquino sa kanyang huling hantungan. Ang mga naging sangkot sa kanyang pagkamatay ay napalaya na noong 2007 na tinutulan naman ng kanyang anak na si Noynoy Aquino. At siya ay isa rin sa mga bayani ng Pilipinas. Ang kanyang bantayog ay makikita sa Lungsod ng Makati.