👤

pahelp po ung matinong sagot po sana asap lng po​

Pahelp Po Ung Matinong Sagot Po Sana Asap Lng Po class=

Sagot :

Answer:

Mga salik:

1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria Noong 1931, inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan dahil mali ang ginawa nito. Kasunod nito ang pagtiwalag ng Japan sa Liga ng mga bansa.

2. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pagaalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pagaalis ng Karapatang mag-armas. Matapos tumiwalag, pinasimulan ni Adolf Hitler, lider ng Nazi ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang Kondisyon. Binalak niyang muli ang pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany, Ang France ay nakipag-alyansa sa Russia.

3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang kasunduan sa Liga ( Covenant of the League )

Bunga:

1. Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.

2. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.

3. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang  Nazi  ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.

4. Napagtibay ang simulaing  command responsibility  para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar

Explanation:

Im not really sure pero hope it help

(Pa brainliest po thank you)

Answer:

Mga salik:Ang ilang mga sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang agresibong aksyon ng Alemanya, Hapon, at Italya at ang Aleman na may hinanakit na dulot ng Treaty of Versailles. Ang Great Depression ay nagbigay hintulot sa mga awtoritaryan na mga pinuno na makapangyarihan, at ng na mas mapalapit sa digmaan. Ang isang pangunahing paggamit ng mga sandatang nukleyar sa digmaan, na humahantong sa Cold

Explanation:

Ayan lang po alam ko ehh sana po makatulong