👤

TEKSTO B
SKYFAKES
(Dagli)
RAGNA
WEEKLY HOME IZ
quavher/ Week No
Alas dose na. Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina. Lunchbreak. Niyaya siya ng mga ito na
mananghalian. "Sunod parako, tatapusin ko lang itong pinapagawa ni sir, kailangan daw ng 2pme" wika niya.
Pinapatay kasi ang aircon sa opisina nila kapag breaktime. 12:40 tapos na ang trabaho. Tinext sya ng mga
kaopisina kung nasaan
na sya. "Do tpos. Nxt time n ing. Nwy i'll juzt eat my baon here."
Kinakailangan niyang ma-promote. Kailangan niya lang siguro ng magandang break. Sa pinapatrabaho ng
kanyang boss baka ito na nga ang kanyang break.
Mula sa kanyang kinauupuan, kitang-kita niya ang nagdidilim na langit. Dinukot ang pitaka.
Binuksan. Tinitigan ang larawan ng mga anak. Binilang ang barya sa pitaka. Muling tiningnan ang langit. "Wag
kang uulan. Wag." Kumalam na ang kanyang tiyan. Binuksan niya ang drawer. May isa pang pakete ng biskwit.
Binuksan niya ito. Kinain. Tumungo sa water dispenser. Kumuha ng disposable cup. Uminom ng tatlong baso
ng malamig na tubig. Napadighay sya. Bumalik sa puwesto. Muling tiningnan ang langit. Hindi niya tiyak kung
makulimlim o maaraw. Napailing sya. “Makisama ka naman.""Wag kang uulan. Wag", muling binilang ang
https://dokumen.tips/documents/sky-fakes.html
barya sa pitaka.
1. Ano ang paksa ng teskto?
A. Pagiging masipag sa trabaho
B. Pagtitiyaga para mapromote sa trabaho D. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
C. Kung may tiyaga, may nilaga
2. Ano ang layon ng teksto?
A. magpaliwanag
C. maipakita ang pagiging masipag
B. magpabatid
D. maging matiyaga sa trabaho
3. Ano ang tono o damdamin sa tekstong binasa?
A. masaya
C. galit
B. malungkot
D. inis
4. "Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina." Anong pananaw ang ginamit ng
may-akda sa tekstong binasa?
A. Unang Panauhan
C. Ikatlong Panauhan
B. Ikalawang Panauhan
D. Lahat ng nabanggit.
5. Paano naman binuo ng may-akda ang mga salita, pangungusap at talata?
A. paggamit ng mga salitang mababaw ang kahulugan C. paggamit ng pagtatambal o paglalapi
B. paggamit ng iba't-ibang talasalitaan
D. paggamit ng simpleng pangungusap at talata​


Sagot :

Answer:

1.d 2.c 3.c 4.d 5.a

Explanation:

godbless