Ito ang pinakamahalagang tanong na dapat ninyong masagot sa pagpapanukala ng paksa. Bakit ninyo napili ang paksang iyon? Mayroon bang kahalagahan para sa iyo, sa iyong disiplina, o kaya sa pamayanan? Gugustuhin niyo bang pagbuhusan ng panahon ang isang bagay na wala namang kabuluhan? Pahabol: Ang #2 at #3 ay magiging bahagi ng Saklaw at Limitasyon (Scope and Limitation) na nasa Kabanata i ng inyong pamanahong papel . Ipapaliwanag niyo rin sa Kabanata I ang #5 sa bahagi ng kahalagahan ng pag-aaral (Significance of the Study). Ang #4 naman ay magiging basehan ng inyong Kabanata III o ang Metodolohiya (Methodology).