👤

Magbigay ng isang TULA ng pasasalamat sa inyong magulang. Ang tula ay naglalaman
apat na saknong. ​


Sagot :

Explanation:

Ako'y siyang ibununga ng pagmamahalang sariwa

Binulabog ang mundo ng dalawang magsinta

Ginulantang ang lahat ng ako y magpakita

Heto ako sa harap nila, nakangiti nakatawa

Bawat pananabik, hirap at pait

Lahat napalitan ng saya at rikit

Ang pag galaw ng mga labi kong

Dahilan ng pag hibik

Ilang buwang pinaghandaan ng aking mga magulang

Ang pagdating ng kanilang anak na pagsisilbihan

Halos magkanda kuba, mapasan lamang ang mabigat na batya

Batya ng kahirapan sa paghahangad ng buhay na marangya

Ngayon akoy may kamalayan na,

Nakikita ang bawat pasakit na nadarama,

Buong puso ako nagpapasalamat

Sa aking dakilang amat ina