Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na letra: PS (pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), at PU (pautos). 1. Dito tayo sasakay ng dyip. 2. Dadaan po ba kayo sa palengke? 3. Hoy, bawal sumingit sa pila! 4. Mahaba pala ang pila tuwing umaga. 5. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.