Sagot :
Answer:
Tekstong impormatibo/ekspositori - ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano, kailan,saan, sino at paano.Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari, Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng impormasyon.