1. Inilunsad ng pamahalaan sa inyong lugar ang proyektong pangkalusugan. May mahalaga kang pupuntahan kaya hindi ka makakalahok sa proyekto. Paano mo ipakikita ang pagiging maka-Diyos sa pagkakataong ito?
2. Isa sa mga batas na inilunsad ng pamahalaan ay ang pagbawal sa paglabas ng bahay ng walang "face mask at face shield”. Isa ang inyong pamilya sa inyong lugar ang may patahian at bilihan ng mga tela.
Paano ka makatutulong sa mga taong walang pambili ng mga ito?
3. Isa sa mga kaibigan mo ay nawalan ng ganang magpatuloy ng kanyang pag-aaral dahil sa nawalan ng hanapbuhay ang kaniyang mga magulang.
Paano mo siya matutulungan upang maipagpatuloy niya ang kanyang pagaaral?
4. Inilunsad ng pamahalaan sa inyong lugar ang proyektong may kinalaman sa pagkakawanggawa sa mga pulubi at kapuspalad.
Paano mo maipakikita ang iyong pagiging maka-Diyos?
5. Alam mong isa lang ang nabiling gadget ng iyong magulang para sa inyong magkapatid. Nagkataong na magkasabay ang oras ng inyong klase at sa oras ng pinagkasunduan ninyong magkakaibigan na maglaro ng Mobile Legend.