👤

Sino nga ba Ako?
Ni : Carlota B. Aguinaldo

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang
buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang
utos.”
Ito ang mga katagang madalas namumutawi sa bibig ng aking ina
simula ng ako ay mamulat sa mga pangyayari sa mundong aking
ginagalawan. Isa raw ito sa mga utos ng Diyos at dapat lamang na itatak
ko ito sa aking puso at isipan. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo,
pagdarasal ng salmo at rosaryo, pagbabasa at pakikinig ng salita ng
Diyos, pagdiriwang ng iba’t ibang kapistahan, pagtanggap sa Pitong
Sakramento, iwasan ang Pitong kasalanang nakamamatay, sundin ang
Sampung utos ng Diyos; ilan lamang iyan sa mga gawi, tradisyon at
kultura na itinuro sa akin ng aking ina upang tunay kong magampanan
ang aking tungkulin bilang isang Katoliko.
Mula sa inyong nabasa, hindi maikakaila na ako ay lumaki sa
isang relihiyosong pamilya. Ngunit sa kabila ng mga aralin at bilin na ito,
madalas pa rin akong magduda sa aking sariling pananampalataya.
Sino nga ba talaga ako at ako nga ba ang humubog sa sarili kong
paniniwala at pagkatao? Sa aking paglaki ay nanatili ang mga ito bilang
isang misteryo, mga tanong na madalas bumabagabag sa aking murang
isipan. Hanggang sa dumating ang araw na ako ay niyaya ng aking
kababata na sumali sa Koro ng aming munting kapilya. Noong una ay
hindi ako sumipot sa awdisyon dahil nahihiya ako at natatakot na

mahusgahan dahil hindi naman ako ganoong kagalingan pagdating sa
pag-awit. Naisipan din ng aking ina na kami ay mamamalagi muna sa
probinsya kaya naman naudlot ang aking plano. Naisip ko na marahil
hindi pa ito ang tamang panahon para ako ay sumali. Ngunit sadyang
mapaglaro ang tadhana. Sa aming pagdating sa lalawigan ng
Pampanga ay aming nadatnan ang pagdiriwang ng Mahal na Araw.
Hindi ko mapigilang mamangha sa aking mga nasaksihan at maantig sa
paraan ng pagpapakita ng pananampalataya ng bawat deboto. Noong
araw na iyon ay aking napagdesisyunan na gagamitin ko ang aking
talento sa pagkanta hindi para sa aking sariling interes, sa halip ay
gagamitin ko itong instrumento sa paglilingkod sa Panginoon. Ito sa
tingin ko ang naging unang hakbang ko sa pagiging tunay na
Kristiyanong Katoliko.
Ngayon ay isa na akong mang-aawit sa aming Parokya. Ginagawa
ko pa rin ang mga bilin ng aking ina at tanda ko pa rin ang mga aral na
itinuro niya. Nagdarasal pa rin kami nang sama-sama. Nagdiriwang ng
iba’t ibang selebrasyon at sumusunod sa mga nakasanayang tradisyon.
Ang tanging nagbago ay ang aking pananaw at lalim ng aking
pananampalataya. Hindi man nasagot ang lahat ng aking mga
katanungan, naniniwala naman ako na balang araw ay mauunawaan ko
rin ang bagay na ito. Kailangan ko lamang na magkaroon ng tiwala sa
aking sarili at pananampalataya sa Diyos. Ngayon, ako ay nasa proseso
na ng pagsasagot sa pinakamahalagang tanong sa buhay sa aking
buhay: Sino nga ba ako?
Ako si Carlota B. Aguinaldo. Ako ay isang babae, anak, kapatid,
kabataan, kaibigan, lingkod ng simbahan, at Katolikong iniibig ang
Panginoon Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang
buong pag-iisip.

2. Sa huling talata paano mo ibinilangkas ng may akda ang kanyang paglalarawan sa sarili

Sagot :

Explanation:

View image Fatimaatrah