👤

ano ang mga halimbawa ng simuno​

Sagot :

SIMUNO

Kahulugan:

Ang simuno ay ang paksa na pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay maaaring pangngalan o panghalip. Sa ingles, ito'y tinatawag na subject.

Mga halimbawa:

  1. Si Jim ay pupunta sa palengke.
  2. Nakatulog si Tina sa sala.
  3. Kasalukuyang kumakain ang mga aso.
  4. Nagbabasa sa aklatan ang mga bata.
  5. Si Kim ay tahimik na binuksan ang pinto.
  6. Nalilibang sina Fe at Felly sa kasaysayan.
  7. Ang mga tao ay nagsilabasan na.
  8. Ipinagbuksan ng pinto ni Sam si Leah.
  9. Nagsusulat ang kanilang guro sa pisara.
  10. Mabilis nakakuha ng lapis si Ben.

#CarryOnLearning