Sagot :
Answer:
PLATAPORMA PARA SA BAYAN "
KAPAYAPAAN AT KAAYUSAN
1. Pakikipag-ugnayan sa local na pulisya pa sa paglalagay ng
“Police Outpost o Detachment” sa limang pasukan at labasan
ng ating bayan
2. Pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan
ng pakikipag-ugnayan sa mamamayan, pulisya at kapitan ng
barangay para sa mas epektibong pamamaraan ng pagsugpo
sa mga krimen at paglaganap ng droga sa kapaligiran
3. Pagsasaayos ng trapiko sa ating bayan.
KAPALIGIRAN AT LIKAS NA YAMAN
1. Pagpapatuloy sa pagtatanim ng mga punong-kahoy o
“reforestation”
2. Pangangalaga sa likas na yaman tulad ng mga ilog, bukal, ilat
at mga punong-kahoy
3. Ipagpatuloy at pagbutihin ang tamang pangongolekta at
pagtatapon ng basura
4. Pagkakaroon ng mga programa na mag-aangat ng tunay na
kalinisan at kaayusan n gating kapaligiran sa pamamagitan
ng paligsahan hinggil sa malinis at maaliwalas na barangay.
EDUKASYON
1. Pagbibigay suporta sa pag-aaral ng mga batang kapus-palad
2. Pagbibigay pansin sa pangangailangang pisikal o
pangkalusugan lalo na sa mga kabataan sa ating bayan
3. Paglulunsad ng “outdoor activities” para sa mga estudyante
sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng
paaralan upang lalong magkaroon ng interes sa pag-aaral.
SENIOR CITIZENS / MAY KAPANSANAN
1. Pagkakaroon ng buwanang libreng gamutan para sa ating
matatandang kababayan at may mga kapansanan
2. Pagbibigay suporta sa mga proyekto n gating senior citizens
at ng may kapansanan at pakikipag-ugnayan sa TESDA para
sa pagsasanay na makatutulong sa pagkakaroon ng hanap-
buhay.