Carlsonalcantara17go Carlsonalcantara17go Filipino Answered Sino nga ba Ako? Ni : Carlota B. Aguinaldo “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos.” Ito ang mga katagang madalas namumutawi sa bibig ng aking ina simula ng ako ay mamulat sa mga pangyayari sa mundong aking ginagalawan. Isa raw ito sa mga utos ng Diyos at dapat lamang na itatak ko ito sa aking puso at isipan. Pagsisimba tuwing araw ng Linggo, pagdarasal ng salmo at rosaryo, pagbabasa at pakikinig ng salita ng Diyos, pagdiriwang ng iba’t ibang kapistahan, pagtanggap sa Pitong Sakramento, iwasan ang Pitong kasalanang nakamamatay, sundin ang Sampung utos ng Diyos; ilan lamang iyan sa mga gawi, tradisyon at kultura na itinuro sa akin ng aking ina upang tunay kong magampanan ang aking tungkulin bilang isang Katoliko. Mula sa inyong nabasa, hindi maikakaila na ako ay lumaki sa isang relihiyosong pamilya. Ngunit sa kabila ng mga aralin at bilin na ito, madalas pa rin akong magduda sa aking sariling pananampalataya. Sino nga ba talaga ako at ako nga ba ang humubog sa sarili kong paniniwala at pagkatao? Sa aking paglaki ay nanatili ang mga ito bilang isang misteryo, mga tanong na madalas bumabagabag sa aking murang isipan. Hanggang sa dumating ang araw na ako ay niyaya ng aking kababata na sumali sa Koro ng aming munting kapilya. Noong una ay hindi ako sumipot sa awdisyon dahil nahihiya ako at natatakot na mahusgahan dahil hindi naman ako ganoong kagalingan pagdating sa pag-awit. Naisipan din ng aking ina na kami ay mamamalagi muna sa probinsya kaya naman naudlot ang aking plano. Naisip ko na marahil hindi pa ito ang tamang panahon para ako ay sumali. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa aming pagdating sa lalawigan ng Pampanga ay aming nadatnan ang pagdiriwang ng Mahal na Araw. Hindi ko mapigilang mamangha sa aking mga nasaksihan at maantig sa paraan ng pagpapakita ng pananampalataya ng bawat deboto. Noong araw na iyon ay aking napagdesisyunan na gagamitin ko ang aking talento sa pagkanta hindi para sa aking sariling interes, sa halip ay gagamitin ko itong instrumento sa paglilingkod sa Panginoon. Ito sa tingin ko ang naging unang hakbang ko sa pagiging tunay na Kristiyanong Katoliko. Ngayon ay isa na akong mang-aawit sa aming Parokya. Ginagawa ko pa rin ang mga bilin ng aking ina at tanda ko pa rin ang mga aral na itinuro niya. Nagdarasal pa rin kami nang sama-sama. Nagdiriwang ng iba’t ibang selebrasyon at sumusunod sa mga nakasanayang tradisyon. Ang tanging nagbago ay ang aking pananaw at lalim ng aking pananampalataya. Hindi man nasagot ang lahat ng aking mga katanungan, naniniwala naman ako na balang araw ay mauunawaan ko rin ang bagay na ito. Kailangan ko lamang na magkaroon ng tiwala sa aking sarili at pananampalataya sa Diyos. Ngayon, ako ay nasa proseso na ng pagsasagot sa pinakamahalagang tanong sa buhay sa aking buhay: Sino nga ba ako? Ako si Carlota B. Aguinaldo. Ako ay isang babae, anak, kapatid, kabataan, kaibigan, lingkod ng simbahan, at Katolikong iniibig ang Panginoon Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag-iisip. 1.Paano mo isusulat kung ibabalangkas mo ang ilan sa mga gawi at tradisyon na kanyang inilahad sa impormasyon ng kanyang seleksyon?