👤

Gawain #4
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
DILEMMA:
Isang nakakahawang sakit ang kumalat sa buong mundo. Ang pangalan nito
ay Covid-19, sa taong 2020 maraming nagbago, gaya na lamang ng buhay
ni Nikki isang Grade 7 student na sana ngayon. Dahil sa pangyayari
napilitan si Nikki na huwag munang mag-aral sapagkat walang magagamit
na gadget para sa online class at siya ang panganay sa apat na
magkakapatid na katuwang ng ina sapag-aalaga. Kinaylangang ding lumayo
ng kanyang tatay para makahanap ng panibagong trabaho kaya ganoon
nalang na hindi ito nakapag-aral. Nalaman ng isang butihing kapitbahay
ang sitwasyon ni Nikki kaya binigyan niya ito ng pera para makapag-aral.
Ngunit sa kasamaang palad ang mga binigay na pera ng kapitbahay ay
ginastos ng ina sa pambili ng kanilang makakain at gamit. Nang malaman
ni Nikki kung ano ang nangyari sa pera nanlumo ito, nagalit sa Ina at
nawalan na ng ganang mag-aral muli.

Mga Tanong:
1. Kung ikaw si Nikki at nangyari ito sayo, Ano ang pagpapasyang iyong
gagawin?
2. Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-
alang ng isang Ina pagdating sa kaniyang relasyon sa kaniyang anak?
Bakit mo ito maituturing na pinakamahalaga?
3. Bakit masama ang ginawa ng magulang ni Nikki?


Sagot :

Answer:

1.mas iisipin ko ang makabubuti para sa aming pamilya iintindihin at uunawain ko ang sitwasyon naman ngunit pipilitin ko paden kung kaya ko pang mag-aral na magawan ito ng paraan.

2.ang makabubuti sa kanyang anak, mahalaga ito para sa akin dahil walang ina ang gugustuhin mapasama ang kanyang anak mas gugustuhin nito na nasa magandang kalagayan ang mga anak niya.

3.dahil hindi siya nagpaalam kay nikki na kukuhanin niya ang pera para sa pangkain ng mga kapatid ni nikki.

Explanation:

paki brainliest at pa follow na din :)