Panuto: Isulat ang OPO kung ang gawain ay nagpapakita ng pakikilahok sa mga gawain at pagtupad sa mga batas at HINDI PO kung hindi. 16. Pagbibigay ng tulong pinansyal para sakampanyang pangkapaligiran naglalayong mapanatiling malinis ang mga katubigan. 17. Pakikipagtulungan sa ahensiya ng pamahalaan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng bansa. 18. Paglalaro ng kompyuter maghapon habang ang mga kasama ay abala sa pakikilahok sa gawaing pangkalinisan sa barangay. 19. Pakikiisa sa mga programang naglalayong mapabuti ang pamayanan at mapanatiling payapa at tahimik ang pamumuhay ng mga mamamayan. 20. Pagtulong sa mga programang pangkalusugan ng barangay tulad ng Feeding Program at Samahan ng mga Nanay sa Wastong Nutrisyon ng mga Sanggol.