Sagot :
Answer:
Entrepreneur
Ang entrepreneur ay isang tao o indibidwal na namamahala at nagpapatakbo ng isang negosyo sa madaling salita, sila ang tinatawag na negosyante. Nagbibigay serbisyo sa mga konsyumer at nangangasiwa ng isang negosyo upang maging matagumpay at kapaki-pakinabang ito. Sila rin ay tumutulong sa mga tao upang magkaroon ng trabaho.
Kahalagahan ng Entrepreneur
Ang mga entrepreneur ay nakakalikha ng mga bagong hanapbuhay at trabaho na makatutulong sa tao
Ang mga entrepreneur ay nakatutulong sa paglaho ng ekonomiya ng bansa.
Ang mga entrepreneur ang nagpapakilala ng mga bagong produkto, kalakal at serbisyon sa mga pamilihan.
Ang mga entrepreneur ay nakakahanap ng mga makabagong paraan na magpahusay sa mga kasanayan ng bawat indibidwal.
Ang mga entrepreneur ay makapag hahatid ng bagong teknolohiya, industriya, at produkto sa pamilihan na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Ang entrepreneur ang nangunguna upang pagsamahin ang mga salik ng produksyon tulad ng lupa, paggawa, at puhunan upang makalikha ng produkto at serbisyo na kailangan sa ekonomiya ng bansa.
Ang mga entrepreneur ang tumutulong sa bawat indibidwal upang mas mapalago ang mga kakayanan at kakayahan tungo sa pansariling pag-unlad.
Entrepreneurship
Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na mabatid ang mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa tamang panahon, tamang lugar, at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.
Explanation:
BASAHIN MABUTI