👤

sa kwentong ibong adarna, ano ang katangian ni haring fernando, reynang valeriana, don pedro, don diego at don juan?​

Sagot :

Answer:

1. Haring Fernando

Ang makataranungang hari ng kahariang Berbanya. Siya ang ama ng tatlong Prinsipe na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan

2. Reynang Valeriana

Ang butihing asawa ni Don Fernando at reyna na Kahariang Berbanya. Siya ay mapagmahal na ina ng tatlong Prinsipe.

3. Don Pedro

Siya ang panganay ni Haring Fernando. Siya ang may pinakamatipunong katawan at maymagandang postura. Pinagtaksilan niya ang kanyang bunsong kapatid dahil sa matinding selos.

4. Don Diego

Siya ang pangalawang anak nina Don Fernando at Reyna Valeriana. Sa tatlo siya ang pinakatahimikngunit laging sunod-sunuran sa kanyang nakatatandang kapatid

5. Don Juan

Siya ang bunso sa magkakapatid at ang pinakamamahal ni Don Fernando dahil sa kanyang taglay na kabaitan. Siya ang nakahuli sa Ibong Adarna.

Explanation:

sana makatulong correct me if im wrong:)