👤

A. Basahin mong mabuti ang bawat sitwasyon. Pumili ka lamang ng isa na iyong
sasagutin at isulat ang iyong natutuhang aral tungkol sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Kung ikaw ay isang lider ng isang samahan na kabilang sa non-government
organization at isa sa mga layunin ng inyong samahan ay ang gisingin ang
mga taong bayan at ipakita ang kanilang tunay na pagkamakabansa. Bilang
lider, paano mo ito maisasagawa upang maisakatuparan mo ang layunin ng
inyong samahan?
2. Kung ikaw ay ang pangulo ng mga mag-aaral sa inyong paaralan, paano mo
hihikayatin ang mga kapwa mo mag-aaral na ipakita, isagawa, at isabuhay
ang pagmamahal sa bansa?
3. Kung ikaw ay isang Overseas Filipino Worker o OFW at nais mong gisingin
ang kaisipan ng mga kapwa mo Pilipino sa diwang makabansa, papaano mo
ito gagawin?​