1.)Bukod sa pagbibigay ng donasyon sa simbahan, paano natin maisasagawa ang mga gawaing maka-Diyos? a. Sa pamamagitan ng pagsimba araw-araw. b. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga mabuting bagay. C. Sa pamamagitan ng pagiging malapit sa pari/pastor. D. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga abuloy sa simbahan.
2.)Sa naganap na Bagyong Yolanda na tumama sa ating bansa,maraming nagpaabot ng tulong galing sa iba't-ibang panig ng bansa.Ano anv ipinapakita nito sa atin? a. Pagmamahal sa ating bansa b. Pakikiisa sa atin c. Pagmamalaki sa kanilang naibigay na tulong d. Wala sa nabanggit
3.)Kaarawan ni Josie at ang kanyang mga magulang ay maghahanda ng isang marangyang handaan. Ngunit minabuti ni Josie na sa halip na maghanda ay pupunta na lamang sa simbahan at doon magpasalamat sa panginoon sa karagdagang buhay at biyaya na natanggap.Anong klaseng bata si Josie? a. Mabait b. Magalang c. Madasalin d. Magara
4.)Si Gng. Ignacio ay isa sa mga masigasig na naglilingkod sa kapilya. Nakikita niya ang mga pangangailangan ng kapilya. Nagpamigay siya ng mga sobre sa mga mamamayan ng barangay. Pagkalipas ng dalawang linggo,nakalikom siya ng malaking halaga para sa kapilya.Paano ipinapakita ni Gng. Ignacio ang kanyang ipinamalas na ispiritwalidad? a. Lumilikom siya ng pera sa kanyang sarili b. Lumilikom siya ng pera para sa mga nagsisimba c. Lumilikom siya ng pera para sa kapilya at panginoon d. Lumilikom siya ng pera para makahihikayat na marami pang magsisimba