Gawain 2. Tukoy Mo Na? Panuto: Suriin ang sumusunod na pangyayari mula sa akdang tinalakay. Piliin mula sa Hanay B ang kaisipang lumutang sa mga pahayag sa Hanay A. Isulat ang letra ng iyong sagot sa hiwalay na papel.
Hanay A
1. Naisip ni Hermana Penchang na kung ang hikaw ay ihahandog niya sa Birhen sa Antipolo, baka maipagkaloob sa kaniya ang kahilingang mapasama ang kaniyang pangalan sa isang himala upang manatili siya sa alaala ng tao at pagkatapos ay umakyat sa langit. _2. Si Kabesang Tales ay handang gumugol nang malaki at iwasan ang pakikipagkagalit sa kura at sa pamahalaan. 3. Pagbabayad niya sa buwis ng mga nakatalang pangalan ng mga namatay na o lumipat na ng tirahan. 4. Kahit lugmok sa paghihikahos, malugod niyang tinatanggap ang panauhin. 5. Nagbalak si Kabesang Tales na magpatayo ng bahay na yari sa tabla at pag-aralin sa Maynila sina Tano at Huli.
Hanay B A.diyos B.bayan C.kapuwa-tao D.magulang E.sarili