👤


Gawain
A. Panuto: Basahing mabuti ang teksto Ibigay ang angkop na pamagat.
Inaanyayahan ng Kagawaran ng Kalusugan ang publiko na ugaliin ang
paghuhugas ng kamay. Sundin ang tamang paraan ng pag-ubo. Laging magdala ng
panyo o tissue. Takpan ang buong ilong at bibig gamit ang panyo o tissue (maaaring
gamitin ang manggas o loob ng siko). Lumayo sa mga tao kung babahin o uubo.
Huwag dumura kung saan-saan. Itapon ang ginamit na tissue sa basurahan. Laging
maghugas ng kamay. Gumamit ng hand sanitizer o alcohol. Iwasan ang paghawak
sa mga hayop. Siguraduhing luto nang maayos ang pagkain. Panatilihing malusog
ang sarili upang lumakas ang resistensya. Ito ang mga dapat gawin sa pag-iwas sa
COVID-19.​