Gawain 1: Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari na sa simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gamitin ang letra A-G. Sagutan sa sagutang papel. ___ Ang pagpasok ng Germany sa Poland. ___ Hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan na matamo ang kanilang awtonomiya. ___ Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. ___ Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain sa pagitan ng dalawang panig: ang pasistang Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. ___ Sinakop ng Italy ang Ethiopia. ___ Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga. ___ Inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria.