👤

ano ang kahalagahan ng mga hayop sa atin?​

Sagot :

Answer:

ito ay nakakatulong sa atin sa kalikasan minsan sila ang nagiging pag kain natin ito rin minsan ang nangangalaga ng kagubatan

Answer:

Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mahalaga at may gampanin na kailangan nilang gampanan. Isa na rito ang mga hayop na lagi nating nakakasalamuha kahit nasaan man tayo. Nabubuhay sila dahil may tungkulin sila sa ating mundo at sa sistema nito. Para sa ating mga tao, sila ay nagsisilbing mga kaibigan, katuwang sa trabaho, mapagkukunan ng pagkain, at marami pang iba. Hindi tatakbo ng maayos ang daloy ng mundo kung ang mga hayop ay mawawala. Malaki ang naitutulong nila sa atin at dapat suklian natin ito ng kabutihan at pag-aaruga sa kanila. Tulungan natin sila na magparami at huwag natin silang pagkaitan ng tahanan at mga pagkain na kailangan nila upang mabuhay. Dapat nating pahalahagahan ang bawat isa dahil gawa tayo ng Panginoon. Dapat tayong magtulungan upang payabungin pa ang biyaya na ibinigay Niya sa atin.

Explanation:

Sana po nakatulong po ako kahit papaano (ᵔᴥᵔ)(ᵔᴥᵔ)(ᵔᴥᵔ)