👤

Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha hinggil sa kung ano ang maaaring mangyari sa

tauhan batay sa mga nakatalang bahagi ng akda. Isulat ang titik ng tamang sagot sa

sagutang papel.

1. “O, si Ama!” ang nawikang buong lungkot at naluha,” Bakit siya gayon kaya, sa anak

ay walang awa? Ang naramdaman ni Donya Maria ay…

a. Hindi siya mahal ng kanyang ama.

b. Hindi niya kayang mawala sa buhay niya ang pinakamamahal niyang anak

c. Dahil wala siyang pakialam.

2. “Ikaw, anak na suwail, nawa’y makaalala rin sa ginawa mo sa akin talaban ka ng

dalangin.” Ang naghari sa puso ni Haring Salermo ay…

a. Nagalit sa ginawa ng kanyang anak

b. Natuwa at humanga siya sa ginawa ng anak.

c. Nagalit siya kay Don Juan.

3. “Ako nga’y sagutin mo.” anang Ita sa Negrito” si Donya Maria ba’y sino’t siya baga’y

naririto?” Ang naramdaman ni Donya Maria nang marinig niya sa nag-uusap na

dalawang negrito ay…

a. Nag- isip na sana’y maalala siya ni Don Juan.

b. Humanga siya sa ginawa ng dalawa.

c. Natakot siyang magwala ang dalawang negrito.

4. “Yayamang gayon din lamang ako’y walang kabuluhan magsisi ng kasalana’t ngayo’y

atin katapusan!” Ang naramdaman ni Donya Maria ay..

a. Nagulat at nagtaka sa pwedeng mangyari.

b. Malugod na tinanggap niya ang hatol ng Arsobispo.

c. Nagalit at gusto niyang gunawin ang palasyo.

5. “Ngayon ko po bubuksan ang laman na kalooban si Donya Maria ang tunay sa puso

ko’y minamahal.” Ang kalooban ni Don Juan ay…

a. Napagpasiyahan ni Don Juan ang tunay niyang mahal ay si Donya Maria.

b. Inisip niyang maging sagabal sa tunay na nararamdaman.

c. Napag isipan ni Don Juan na dapat maging maayos ang gulong nilikha ni Donya

Maria.

PLEASE LANG PO PAKISAGUTAN​