👤

Pumili ng tatlong mahalagang pangyayari na naganap sa ikalawang digmaang pandaigdig at punan ang mga impormasyon na hinihingi sa table na nasa ibaba. Pangyayari: Mga Personalidad ma kasangkot: Saan: Kailan: Mahahalagang Kaganapan/Pangayayari:​

Sagot :

Answer:

Una, nilusob ng bansang Germany ang Poland noong Setyembre 01, 1939. Ito ang simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mga Personalidad: Adolf Hitler, Neville Chamberlain, Winston Churchill, Joseph Stalin

Saan: Poland at mga karatig pook sa Europe

Kailan: 1939

Pangalawa, nilusob ng mga puwersa ng Japan ang Pearl Harbor sa Oahu, Hawaii na siyang mga baseng militar ng Amerika noong Disyembre 07, 1941.

Mga Personalidad: Hideki Tojo - Japanese Prime Minister, Franklin Roosevelt - US President, Chester Nimitz - Commander in Chief of the United States Pacific Fleet, Douglas MacArthur - Supreme Commander of the Southwest Pacific (US)

Saan: Asia

Kailan: 1941 - 1945

Pangatlo, pinasabog ng Amerika ang Hiroshima at Nagasaki noong Agosto 06, 1945 at Agosto 09, 1945, na siyang dahilan upang sumuko ang Japan at matapos na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mga Personalidad: Douglas MacArthur, Hideki Tojo, at Harry Truman na pumalit kay Franklin Roosevelt bilang US President. Siya ang may pinakamahirap na desisyon na gamitin ang atomic bomb sa pagpapasabog sa Hiroshima at Nagasaki upang tapusin ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Saan: Japan

Kailan: Agosto 1945

Explanation:

Pinili ko ang mga pangyayaring ito dahilan sa kanilang pagiging salik sa isa sa pinakamadilim na panahon ng ating kasaysayan, ang pagsiklab at pagwakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.