Pangalan : Baitang at Pangkat: Petsa: Guro: A. Basahing mabuti ang patalastas at sagutan ang mga sumusunod na tanong. Maselan ba ang balat mo? Ang Kutis Soap ay bagay na bagay sa iyo. Itong sabon ay walang kemikal, natural ito kaya hindi ka magkakaroon ng allergy. Ito ay punong puno ng bitamina na nakabubuti sa inyong kutis. Ano pa inaantay mo? Tara at bumili sa pinkamalapit sa inyong tindahan! 1. Ano ang produkto na bagay sa maselang balat? 2. Ano-ano ang katangian ng Kutis Soap? 3. Sino ang puwedeng gumamit ng produktong "Kutis Soap"? 4. Ano-ano ang mga ginamit na bantas sa pagbuo ng patalasatas? 5. Ano-ano ang mga ginamit na uri ng pangungusap sa patalastas? B. PANUTO: Basahin nang mabuti patalastas. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Piliin ang letra ng tamang sagot. Panatilihing malusog ang pangangatawan at malakas ang ating resistensya sa pamamagitan ng MJ3 Plus. Maging bata at matanda puwedeng gumamit nito. Tatlong sachet sa isang araw ang iyong kailangan upang mapanatili ang malakas, malusog at puno ng enerhiya ang iyong katawan. Ito ay may limang sangkap na gulay na kailangan ng ating katawan. 1. Anong produkto ang pinapakilala? A. MX3 B. MJ3 Plus C. Nutroplex D. Ceelin Plus 2. Ano ang maibibigay nito sa ating katawan? A. Nagpapatibay ng buto B. Nagpapalinaw ng ating mga mata. C. Nagpapatibay ng ating kalamnan D. Nagpapanatili ng malakas, malusog at puno ng enerhiya na katawan 3. Ilang sachet sa isang araw ang ating kailangan? A. 2 B.5 C.3 D. 4 4. Anong uri ng pangugusap ang ginamit sa patalastas? Maging bata at matanda puwedeng gumamit nito. Panatiling malusog ang pangangatawan at malakas ang ating resistensya sa pamamagitan ng MJ3 Plus. Ito ay may limang sangkap ng gulay na kailangan ng ating katawan. A. Padamdam C. Pakiusap B. Pasalaysay D. Patanong 5. Anong bantas ang ginamit sa mga pangungusap sa patalastas? A. Tuldok () B. Tandang pananong(?) C. Tandang padamdam (1) D. Wala sa nabanggit