👤

kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon, anong produkto o serbisyo ang iyong gagawin bakit?​

Sagot :

Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon, ang serbisyong imumungkahi ko ay ang may kaugnayan sa pagpapaigting ng community pantry. Sa patuloy na paglaganap ng pandemya, patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga unemployed at ng mga nagugutom na pamilya. Kaugnay nito, ang community pantry ang isa sa pinakaepektibong paraan upang makatulong sa mga kapos palad at walang trabahong indibidwal na nahihirapang makaraos sa pang araw araw na gastusin sa pagkain. Hindi man ito permanenteng magtatagal ngunit, ito ay malaking tulong na sa ating naghihirap na mamamayan sa gitna ng pandemya.