Panuto: Basahin AT unawain ang mga pahayag Tungkol sa impormal na SEKTOR at kalakalang panlabas. isulat ang letrang o kung ang pahayag ay tama at x kung mali 1. Ang katangin ng impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo. 2. Ang mga loan shark ay nagpapataw ng mababang interes sa pagpapautang. 3. Maliit na capital na nabibilang sa impormal na sektor. 4. Nakalilikha ng trabaho ang dulot ng impormal na sektor 5. May takdang oras ang pagtratrabaho ang nasa impormal na sektor. 6. Developed countries ang tawag sa mga bansang papaunlad pa lamang gaya ng Pilipinas. 7. Ang kalakalang panlabas ay isang mekanismo sa pagpapanatili ng magandang pakikipag-ugnayan ng mga bansa. 8. Mahalaga ang kakalakalang panlabas sapagkat hindi lahat ng mga pangangailangan at serbisyo ay nasa loob ng bansa. 9. Ang World Trade Organization ay samahan na may tungkulin at tuntunin sa usapin ng pandaigdigang kalakalan sa pagitan ng mga bansa na nagtatakda ng mga patakaran para sa kalakalang pandaigdig at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga kasunduang pangkalakalan. 10. Ang pinaka Layunin o goal ng pakikipagkalakalan ng mga bansa sa daigdig ay upang dumami ang mga produktong imported na maaring gayahin o kopyahin.