Sagot :
Mahalaga ang paggamit ng angkop na mga salita sa isang pagpupulong dahil doon nakasalalay ang takbo at kalalabasan nito. Halimbawa: Sa isang pagpupulong, kapag may hindi angkop o kaaya-ayang salita ang nasabi sa pagpupulong, mapupukaw nito ang atensiyon ng iba kaya’t magpopokus nalang sila sa pagtatama sa mali ng nagsalita at pwede rin itong simulan ng pagtatalo. Kaya’t mahalagang isa alang-alang ang mga salitang bibitawan dahil ito ay may mga epekto sa ating kapwa at sa daloy ng pag-uusap. Ang paggamit ng angkop na mga salita ay talagang mahalaga dahil bukod sa mga nabanggit, ang mga salitang ito ay nagiging dahilan rin ng maayos na pagkakaintindihan at pagkakasundo ng mga nagpupulong.