GAWAIN 1 Panuto: Isulat ang titik I kung wasto ang inilahad na impormasyon at titik M naman kung di- wasto ang impormasyong inilahad. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. 1. Handang isakripisyo ni Huli ang lahat para lamang sa kanyang pamilya. 2. Napilitang ipagbili ni Huli ang lahat ng kanyang alahas maliban ang agnos na ibinigay sa kanya ni Basilio para lamang maipantubos niya sa kanyang ama. 3.Naging sapat ang perang nakuha niya mula sa kanyang mga alahas kaya't natubos niya ang kanyang ama. 4. Araw ng pasko nang umalis si Huli sa kanilang tahanan upang mamasukan bilang utusan ni Hermana Penchang. 5. Walang ginawa si Huli matapos niyang mabalitaan na nabilanggo ang kanyang kasintahang si Basilio.