B. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap Lagyan ng tsek (V) sa patlang bago ang bawat bilang kung tama ang mga konsepto o paliwanag at ekis (X) naman kung ang mga ito ay mali.
6. Ang mahusay na mithin ay mahalaga dahil ito ay tumutukoy sa mga walang katiyakang hakbang o pagkilos na gagawin.
7. Ang malinaw at makatotohanang mithin ay mahalaga sapagkat gabay ito sa pagkakaroon ng tamang direksiyon sa buhay.
8. Ang pagiging tugma ng mga pansariling salik sa minimithing karera o negosyo ay mahalaga dahil ito ang magiging dahilan upang talikuran ang mithiin sa buhay.
9. Ang kaalaman sa mga pansariling salik ay mahalaga dahil ito ang daan upang matukoy ang mga kakayahan, kasanayan at pagpapahalaga na kinakailangang mapalago upang makanit ang mithiin sa buhay.
10. Ang likas na kakayahan ng isang tao ay sapat na upang maging bihasa at matagumpay sa anumang larangan.
11. Ang pag-aaral ay mahalaga dahil dito nalilinang ang mga talento at kakayahang makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo o hanapbuhay.
12. Ang isang matagumpay na tao ay karaniwang pabigla-bigla sa mga kilos at pasya.
13. Ang pagkakaroon ng interes sa larangang pinasok ay mahalaga upang ang itinakdang mithiin ay maging makabuluhan.
14. Ang kakulangan ng pinag-aralan at kaalaman ay nakakapaglinang ng kasanayan upang matamo ang minimithing tagumpay sa negosyo at hanapbuhay.
15. Ang mga pansariling salik kaugnay ng paggawa ay mahalagang linangin upang mapaunlad ang sarili at makapaglingkod tungo sa produktibong pamayanan at bansa.