👤

ano ang halim bawa ng pang halip panao​

Sagot :

Answer:

. PANGHALIP Ano ang Panghalip, Halimbawa ng Panghalip, Uri, Gamit, at Kaukulan

2. Ang panghalip ay kasama sa mga bahagi ng pananalita. Sa pahinang ito ay matututunan mo kung ano ang panghalip, mga uri ng panghalip, gamit, at kaukulan. Mababasa mo rin dito ang ilang mga halimbawa ng panghalip na makakatulong upang mas mabilis mong maunawaan ang araling ito. Ano ang Panghalip? Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Mga Halimbawa ng Panghalip sa Pangungusap Narito ang sampung halimbawa ng panghalip sa pangungusap. 1. Ako ay Pilipino. 2. Saan ka pupunta? 3. Akin ang saranggolang ito. 4. Ang iyong damit ay bago. 5. Sa kanya ang payong na ‘to. 6. Ilan ang itlog sa basket? 7. Iyon ang nawawalang aso ni Ramil. 8. Sinu-sino ang tauhan sa kwento? 9. Lumapit ka dito. 10. Ligtas diyan ang alaga mong ibon. Uri ng Panghalip May pitong (7) uri ng panghalip: ang panghalip panao, pamatlig, panaklaw, pananong, paari, pamanggit, at patulad. 1. Panao Ang panghalip panao ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay mula sa salitang ‘tao’, kaya nagpapahiwatig ito na ‘para sa tao’ o ‘pangtao’. Ipinapalit ito sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap, o sa taong pinag-uusapan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip panao ay ang mga salitang ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, at kanya. Mga Halimbawa ng Panghalip Panao sa Pangungusap Sa akin ang tuwalyang pula. Ako ay kumain ng sopas. Sa inyo kami kakain ng hapunan. Binili ko ang sumbrero sa mall. 2 noypi.com.ph/panghalip

3. Sa akin ang laruang kotse. Doon kayo magbakasyon sa Tagaytay. Sa kanila ay maraming manggang hinog. Tingnan mo ang hawak kong lobo. Siya ang kumuha sa bata. Sa ating bansa ay maraming magagandang tanawin. Kailanan ng Panghalip Panao Narito ang tatlong kailanan ng panghalip panao. A. Isahan Ang mga halimbawa nito ang mga salitang ako, ko, akin, kita, ka, iyo, mo, siya, kanya, at niya. B. Dalawahan Ang mga halimbawa nito ang mga salitang atin, at natin. C. Maramihan Ang mga halimbawa nito ang mga salitang inyo, kayo, ninyo, sila, kanila, at nila. 2. Pamatlig Ang panghalip pamatlig o demonstrative pronoun sa wikang Ingles ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ito ay inihahalili rin sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap, o nag-uusap. Uri ng Panghalip Pamatlig May apat na uri ang panghalip pamatlig. Ito ay ang mga sumusunod: A. Pronominal Ang mga halimbawa nito ay ang ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon, at doon. Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa Pangungusap (Prominal) Ang payong na ito ay kay Sandara. Iyon ang mga saging. Doon nakatira si Perla. B. Panawag Pansin Ang mga halimbawa nito ay ang eto, heto, ayan o hayan, at ayun o hayun. Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa Pangungusap (Panawag Pansin) Eto ang hinahanap kong laso. Ayan ang regalo ko sa iyo. Ayun ang asawa mo. C. Patulad 3 noypi.com.ph/panghalip

4. Ang mga halimbawa nito ay ang ganito, ganiyan o ganyan, at ganoon o gayon. Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa Pangungusap (Patulad) Ganyan ang aklat na nais kong basahin. Ganito ang gagawin natin mamaya. Ganoon mo ilagay ang mga plato. D. Panlunan Ang mga halimbawa nito ay ang narini, nadini, narito, nandiyan, nariyan, naroon, at nandoon. Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa Pangungusap (Panlunan) Narini ang sulat ni Lita. Ang pitaka ni Paula ay narito. Nandiyan sa silid ang hinahanap mong baro. 3. Panaklaw Ang panghalip panaklaw na tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles ay salitang panghalili o pamalit sa pangngalan na sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang, o kalahatan. Mula ito sa salitang ‘saklaw’ kaya’t may pahiwatig na ‘pangsaklaw’ o ‘pangsakop’. Tumutukoy ito sa isang pangngalan na di tiyak o walang katiyakan kung sino o ano ito. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang lahat, madla, sinuman, bawat isa, alinman, anuman, saanman, at ilan. Mga Halimbawa ng Panghalip Panaklaw sa Pangungusap Ang sinumang hindi sumunod sa utos ng hari ay parurusahan. Bawat isa ay may tatanggaping tulong mula sa gobyerno. Ang ilan sa inyo ay sumama sa akin. Alinman sa mga prutas ay maaari mong kainin. Lahat ng tao at hayop ay binigyang buhay ng Diyos. Matigas ang ulo ng madla. Saanman kayo magpunta ay mahahanap pa rin kayo. Hindi lahat ng matalino ay mayaman. Ilan lang ang nakatapos ng pag-aaral. Anumang gawin ninyo ay ipagsusulit ninyo sa Diyos. 4. Pananong Ang panghalip pananong na kilala sa Ingles bilang interrogative pronoun ay mula sa salitang ‘tanong’, kaya’t may pakahulugan itong ‘pantanong’. Maari itong isahan o maramihan na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay, tao, hayop, pook, gawain, katangian, panahon at iba pa. 4 noypi.com.ph/panghalip